Tiwala
Lang' Di ka nya pababayaan.
May
panahon ba na sabay sabay dumating sa buhay mo ang mga problema?. Minsan ba
sumagi sa isipan mo na umayaw na at tuluyang bumitaw sa mga ito?
Sabi
nila pa-suspense ang Buhay, madming misteryo , palaging nanggugulat . kadalasan kasing nangyayari
ang di inaasahan. Kung wala kang iniisip na problema ngayon humanda ka sa mga
susunod na mga araw dahil bigla silang susulpot na parang kabute maliit lang sa
umpisa ngunit pag di agad nasulusyonan maaaring lumaki at maging sagabal sayong
masayang buhay. Pagsubok lang ito ng Diyos kung hanggang saan ang tiwala natin sa kanya. kung hanggang saan ang pagtitiis at pagtitiyaga nating mapagtagumpayan ito.
Ang
buhay kasi ay parang isang ride tulad
ng Roller Coaster, paikot-ikot ka lang. minsan nasa itaas, minsan nasa baba. Puno ng Excitement at maraming trill. Di mo alam kung ano ang susunod na mangyayari, kaya dapat laging handa sa kung ano man ang ihatid ng tadhana.
ng Roller Coaster, paikot-ikot ka lang. minsan nasa itaas, minsan nasa baba. Puno ng Excitement at maraming trill. Di mo alam kung ano ang susunod na mangyayari, kaya dapat laging handa sa kung ano man ang ihatid ng tadhana.
Saya
man o lungkot ito kailangan nating tatagan. Dahil walang ginawa ang maykapal na
makakasama sa kanyang anak na nilikha. Lagi nating isipin na sa bawat hamon ng
buhay lagi syang nandyan para tulungan tayo. Tawagin lang natin sya. Hindi naman gagawin ng diyos ang
pagsubok kung alam nyang hindi natin kaya. Tiwala at lakas ng loob lng .
mahalaga ginagawa natin ang tama na naaayon sa kanya. That's life!.
